paperback writah's new home: http://salchichados.blogspot.com

Wednesday, May 12, 2004

SOUL TO SQUEEZE


*peace be with you, het

I got a bad disease,
Up from my brain is where I bleed.
In sanity it seems,
Is got me by my soul to squeeze.
Well all the love from me,
With all these dying trees I scream.
The angels in my dreams,
Have turned to demons of greed,
That’s me.

Where I go I just don’t know,
I got to, got to, gotta take it slow.
When I find my peace of mind,
I’m gonna give you some of my good time.

Today loves smile on me,
It took away my pain, said please
All that you ride is free,
You gotta let it be,
Oh ya.

Where I go I just don’t know,
I got to, gotta, gotta take it slow.
When I find my peace of mind,
I’m gonna give you some of my good time.

You’re so polite indeed,
Well I got everything I need.
Oh make my days a breeze,
And take away my self destruction.

It’s bitter baby,
And it’s very sweet.
I’m on a rollercoaster,
But I’m on my feet.
Take me to the river,
Let me on your shore.
I be coming back baby,
I be coming back for more.

Doo doo doo doo dingle zing a dong bone,
Ba-di ba-da ba-zumba crunga cong gone bad,
Like an apple gift but I went out and never said my pleasures
I’m much better but I won’t regret it never

Where I go I just dont’t know,
I got to, got to, gotta take it slow.
When I find my peace of mind,
I’m gonna give you some of my good time.

Where I go I just don’t know,
I might end up somewhere in Mexico.
When I find my peace of mind,
I’m gonna keep for the end of time!

  |

Monday, May 10, 2004

VIRGIN VOTERS 101


Damang dama ko na ang pagiging Pilipino ko. Nice!(Hindi na talaga mapigilan ang pagtanda...)

Sa 3 presintong pinuntahan namin ni Theto, 1 lang ang tama! Una sa BF RESORT CLUBHOUSE. At andun ba naman ang ever-pulpol-poll-watcher Matthew. Tsong, peace tayo ha pero when I saw you sitting there, holding an orange file case, with your ID pinned at your shirt, and staring blankly into space...I knew...PULPOLL WATCHER KA.


Andito si Theto ngayon sa bahay...nanonood kami ng coverage ng eleksyon. The news are very disappointing.

This is the very first time for me to say this with all my heart: I HOPE WE HAVE A PEACEFUL ELECTION.

Mga mensahe:

Theto - buti iisang lugar lang ang pinagbotohan natin. Thanks for the company.

Meg - thank you for waking up at 6:30 (like me) when we were supposed to be there by 7 am. dahil kung maaga kang nagising e nag-panic na naman ako na hindi ako makakaboto ng maaga.

Sa mga binoto ko - i am not hoping that you guys win...i only did it for my finger to taste the indelible ink (na madali daw matanggal). No, really, i just want to live in a better country. But how will that happen if you don't know how the meaning of R.E.S.P.E.C.T??

Isang eksampol:
OLIVAREZ NG PARANA-QUE: dude, ano tong napanood ko na namimigay ka daw ng UNIWIDE gift certificates, ha? at sa mismong araw pa ng botohan. you freak.

Argh! I'm turning into an annoying orc. Later.

|

Saturday, May 8, 2004

ELECTRIC DREAMS

I finished reading HARRY POTTER AND THE ORDER OF THE PHOENIX a few hours ago.


Siguro mga 1 am yon. Tapos nung natulog ako bandang 2 am….

I FOUND MYSELF IN A DREAM….WITH HARRY POTTER, THE BOY WHO LIVED.

I was seated in a small, round table (table na nakikita sa Hogwarts) with the rest of the ‘bidas’. To my right was Harry, then RON, then HERMIONE. Meron pang iba pero di ko na maalala.

PROFESSOR SNAPE AND LUCIUS MALFOY WERE THERE TOO. Grabe, blonde na blonde si Pareng Lucius.

Sa mood ng panaginip ko, e mukhang na-capture nila kami. Hindi kami nag-uusap, kasi nga binabantayan kami ng dalawang hunghang.

Tsinek ko kung nakasuot ako ng HOGWARTS UNIFORM kaso hindi ma-reach ng aking eyes. Ano ba, katabi ko si Harry, I could not ask for more.

Servants, carrying lots of plates with lots of food, came to the table. As in andami daming pagkain.

Sa lahat ng pagkaing sinerve sa min, ang di ko malilimutan ay yung JUMBO HOTDOG. Pag sinabi kong JUMBO, JUMBO talaga.

Siguro mga 10 regular-sized hotdogs combined.

At eto ha, nakaubos daw ako ng isa (pati si Harry). Tsaka dalawa pang hotdogs na maliliit. Hindi pa kasama dyan lahat ng pagkaing nakain ko bago pa nun.

Harry and I were secretly exchanging smiles while eating the hotdogs. I don’t know why.

After a while, I saw Lucius doing something with our hands holding forks with the hotdogs. I thought (in a British accent), “Aaah..he is jinxing us…”

But no one noticed it but me. They were all busy eating jumbo hotdogs.

Maya-maya pa, lumapit si…tandandandan….GLADYS REYES!! At naka-gown sya na white.

She talked to me, persuading me to come with her to, I think, a dungeon.

Sasama na sana ko ngunit, nakatali pala sa pamamagitan ng IMBISIBOL SINULID ang aming mga daliri at paa.

Tapos, nag-islow moshon ang lahat…

Then I heard something loud near my right ear…parang siren..

Baka si FAWKES, ang PHOENIX NI DUMBLEDORE?? O isang senyales ng pagdating ni YOU-KNOW-WHO??

Hindi pala. Alarm pala ng aking phone.

DANG!

I hope I dream again tonight, sana yung continuation!

|

Friday, May 7, 2004

Look what I found! Sing along ok?

To the tune of "Lucky" by Britney Spears

Cho Chang
By Izzy

This is a story about a girl named Cho Chang

Early morning, she wakes up
Knock, knock, knock, on her dorm
Time to bury herself in work
To avoid what's tormenting her

They say,
Isn't she lucky?
This Ravenclaw girl?

And they say,
She's so lucky, she's Seeker
But she cry cry cries in her lonely heart, thinking
"If after Cedric, I've moved on with my life,
Then why do these tears come at night?"

She's spotted Harry in the halls
But she just can't look him in the eye
And her world goes spinning when she thinks about him
And she just can't find the reason why

They say,
Isn't she lucky?
This Ravenclaw girl?

And they say,
She's so lucky, she's Seeker
But she cry cry cries in her lonely heart, thinking
"If after Cedric, I've moved on with my life,
Then why do these tears come at night?"

Lee Jordan:They're diving, come on...she's got it! Cho Chang's caught the snitch!
(cheering)
Lee:Ravenclaw beats Slytherin, 180-20!
Harry:Congratulations Cho! Cho, are you allright?

Isn't she lucky?
This Ravenclaw girl?

She is so lucky
But why does she cry?
"If after Cedric,
I've moved on with my life,
Why do tears come at night?"


Oha! I first saw this and I knew I had to post it!
AKO SI CHO CHANG!

Thursday, May 6, 2004

Whahahahahaha
Quiz Me
Odyssa Abille was
a Creative Fighter Pilot
in a past life.

Discover your past lives @ Quiz Me


Golly, pilot? Di ata kapani-paniwala. Tsk tsk tsk.

Quiz Me
Odyssa Abille spins tunes as
DJ Fancy Fight

Get your dj name @ Quiz Me


Pansin mo laging may 'fight' na word?

I took the "WHICH MALE CELEBRITY WILLL YOU MARRY?" quiz at narito ang katotohanang mahihirapan ang ibang tanggapin.
Take me to Rivendell, LEGOLAS!
Will Turner is the caring young man from pirates of the caribbean. he will adore you till the day that he dies
You are going to Marry orlando Bloom. He will always treat you right and is very romantic. He will do anything for you. He is very polite and has deep brown eyes and is very good looking (which is another plus!). He can make anything cheesy look really hot(like sliding down stairs on a shield shooting arrows or wearing pointy ears for example). Congrats!!

Which male celebrity are you going to marry? (now 12 (i just added more, and still more to come!)results that have pics!)
brought to you by Quizilla

Wednesday, May 5, 2004

I won, I won! Thanks to DJ Drei of Magic 89.9/1-3am phone buddy ni meg/Andrei Felix/Super kinis boi (i've seen him)/ Artista sa Berks na lalabas sa It Might Be You, e nanalo ako ng advanced screening tickets for the movie TROY! Salamat sa pagbigay mo ng question kay Meg bago mo i-announce yung question on-air. Sana makabisita ka dito sa blogs ko, Drei! To Brad Pitt and Orlando Bloom, on may14, we shall meet again. Here I come! Oh yes, oh yes.
Here's Drei's pic to refresh your memory.



I WANT TO BE A VAMPIRE TOO!


Here's Joey and Myles. Ambabait ng mga tao sa MAGIC...salamat sa inyo. Am I making the BIG SWITCH?? Nah...I remain loyal to my stations.


Yesterday, Meg, Theto and I were at Megamall for the premiere of VAN HELSING. It was good! Oks na oks ang effects. Major drooling for Hugh Jackman ang drama namin ni Meg. Kahit ata ilang monsters na ang kinalaban nya, gwapo pa rin... E lalo naman si Anna (Kate Beckinsale), I'm sure di lang ESKINOL at CHIN CHAN SU ang gamit nito e...


At eto ang favorite character ko, si MARISHKA! Vampire sya na isa sa mga asawa ni Dracula. Very well portrayed by Ms. Josie Maran. You heard me right! Siya yung model ng MAYBELLINE.

I couldn't find a good picture of her as the vampire.

After the movie, Meg and Maxspeed (he's not a cartoon character, he's a DJ) agreed to meet outside the cinema. But as Meg openly declared, she chickened out! Yup, di rin po sila nagkita sa mata kahit 10 steps away na lang sila sa isa't isa. Meg, I don't think you're a chicken...pero eto lang ang masasabi ko sa yo: BOK, BOK, BOK, BOK! Love you meg!

Tapos nag-Starbucks kami.
At dahil wala namang sign na nakalagay don na BAWAL MAG-INGAY/MANGULIT DITO...


Sarap nyo talaga ksama. Kita kita sa TROY!

Tuesday, May 4, 2004

I AM A BEATLES FAN

Yup, at bilang patotoo, naghanap ako ng kung anik-anik na memorabilias...I got this idea from James/Jaymz. Tignan mo yung xanga niya.

Look at the dolls!

Ringo na Ringo!


Tignan mo yung hawak ni Paul na gitara, parang ito di ba?



Josko, ang date, look! BERTDAY KO!!


Habang ginagawa ko tong blogs na to, there were only 3 things on my mind:
1.) Sana buo pa sila ngayon.
2.) Or sana BUHAY pa silang lahat ngayon.
3.) Sa mga MAYAYAMANG MAGBABASA NG BLOGS KO...tumatanggap po ako ng mga donasyon. Wag nang mga de lata, yung mga dolls na nakita mo..yun na lang, otei?


Friday, April 30, 2004

ALIVE, ALIVE, ALIVE FOREVERMORE

I received a text message from Ate Dins on Thursday afternoon, join daw ako sa vodka night sa feenk faad.

On to the CCP exhibit…
I didn’t take pics of the subject of the exhibit because it was so…uh…dead? Yup, mga dedz ang subject...The artist even has a picture of himself in a coffin. Yay…Hehe. Read Ate Din's story.
And they were the mighty ibils (evils) lurking around…

Simula sa ilalim: ATE CHIE – the white ibil (look, ang puti!)!, KUYA LES - da artistik ibil, ATE MALEN – fifi the flying fish, KUYA MARC – MarCosico, ang batang ma-exhibit, ATE NOREEN – teacher teacher, at ATE DINAH – the most ibil of all (she said it herself!)

Buhay na buhay ang SIDEBAR nang pumunta kami. Kaso gusto kong patayin yung waiter na nanghingi ng ID ko. I’m 18! Gusto mo bang makita ang apakalaking portrait ko nung debut?? Ha?? E hawakan kaya kita sa tenga?? Ha??

Anyways…buy 1 take 1 pala beer dun. I was terrified. Naku, dalawang bote??!! Tatagal ba ko? (OO!)


ATE MALEN, the green-eyed lady, AKO, na naka-oversized Sesame Street shirt at rubber sinelas, at ATE DINS, ang babaeng maligalig/war freak forever.


Ito ay isa lamang sa sangkaterbang artworks ng artist friend namin na si MR. LESLIE DE CHAVEZ, o si Kuya Les sa akin.

Pagbalik sa feenk faad (bagsak na si Ate Des nito, but occasionally sits to join us in singing), kuha ng gitara, labas ng songbooks, at BIRA! Kantahan con todo na! Kung di ka namin kasama sa kanta, isang malaking SAYANG! I name that session: REMEMBERING THE SEVENTIES. Sa mga singing buddies ko, naaalala nyo ba to? OH GOD I LOVE MY HUSBAND!!! Mabuhay ka, Barry Manilow! Yey! Natapos kami mga 3 o 4 am na ata…tapos we dozed off.

…or so we thought. Si Ate Dins lang ang nakatulog sa min! Ang tindi mo Ate! You got through Kuya Leslie’s bedroom voice, you can get through almost anything now! Harharhar!


The Fall of Odyssa. Yuh. As in bagsaks tu da maks. (aawww…piKAchu!) Ang kwento pa ni Ate Dins, pagkagising na pagkagising ko, kinakausap ko siya about ATE GREEN. E sino ba si Ate Green? I was still dreaming when i woke up! Ang naaalala ko, ang pangalang sinasabi ko ay ATE DES. Parang ang layo ata, GREEN at DES??

Sunday, April 25, 2004

THETA'S 18!

Yesterday was Melody's (aka Theta) 18th birthday celebration. Tinatamad na kong ikwento pa ang mga nangyari. The pictures will say it all.




Ang saya no?

Here are the group pics:



Sa busy ng celebrant e eto lang pic na nakuha ko...sorry theta!!


Happy birthday ulet sa yo theta! I'm sure you enjoyed your party, kitang kita naman sa mga glitters at sequins ng gown mo. It was radiating. And you looked really beautiful! Galing galing nyo pa magsayaw ni theto. Theta, only you can carry your outfit that night.

Saturday, April 24, 2004

HERE AT SM…WE GOT IT ALL FOR YOU!!!

Meg, Theto and I went to SM yesterday to buy a gift for our friend, Theta (real name: Melody). 18th birthday party nya today, natural lang na bumili ng regalo. At dahil wala kaming datung, napag-isipan namin na isang gift na lang na medyo mamahalin ang ibibigay namin sa kanya. So naghanap kaming bag sa PEOPLE ARE PEOPLE, yung may monkey sa harap. As in Paul Frank. Pero mukhang hindi orig na Paul Frank yun, kasi 500pesoses lang. We bought it anyway. It was really cute (sana ako rin, meron!!). Kaso ang dami nang naglipanang ja-peyks na ganun, kaya ang sabi ng lola mong si Meg, “O wag tatanggalin sa paper bag ha, para halatang sa People Are People binili.” Aba, nice thinking, Meg!!

Si Meg nga pala ay aking bispren. Matagal na kaming magkakilala nun…umm…simula pa ata nung ganito pa lang sya ka-baby….

(Sabi nya, siya daw ang nagpauso ng bangs…I believe her!)
Gusto mo bang malaman kung bakit may bangs si Meg? Sa tin lang to ah…kasi nung bata yang si meg, gumamit sya ng roller brush. E hindi marunong, kaya na-stuck so her mom had to cut her hair.

At hanggang ngayong ganito na sya….

(Yup, yan ang handwriting ni Mr. Brandon Boyd. She got his autograph through her dad, who writes for a newspaper. Swerte, naka-assign sa airport daddy nya. Kaya lahat ng dumarating sa Pinas na sikat, e nasisilayan nya.)

…isang 19-year-old UP student, taking Spanish classes in Instituto Cervantes at Brandon Boyd freak, e super good friends pa rin kami. In fact, best friends. Si Meg po ay isang girl. Ibig sabihin sa gurl dictionary, KIKAY! Girl na girl po itong si Meg na pag magkasama kami, e napagkakamalan ata akong lesbo. Haha. Hindi naman.

In the process of looking for the gift (when the snow is falling down…), SM was raped. By us.

1. Nung nasa National Bookstore kami, biglang dumilim ang paligid…BROWNOUT! Grabe, it was scary. Eto ba namang si Meg, in the midst of the darkness and all the panicking, biglang sumigaw, “NAKU, TERORISTA, MAY TERORISTA!”

2. Nakakita kami ng magic bed, yung nasa Home TV Shopping.

Ayan si ate na naka-blue, nahiyang magpa-picture. Sabi nya siguro: Siguro walang mga kama sa bahay…tsk tsk tsk.

Nung patayo na…
THETO: Teka, Ode, higa ka dali…kunan ka namin!
ODE: Ano ka!!??!! Ayoko nga no!
THETO: Sige na, yung parang mermaid. Yung sexy! Dali!

By this time, halos lahat ng ng sales ladies ay nakatingin sa min at tawa ng tawa.

3. I was looking for a nice shirt to wear for the party. At heto ang suggestion nila. Theto and Meg, FASHION EMERGENCYYYYY!!!!

(I can’t believe they wanted me to wear that.)

Tignan mo si Meg, seryoso.


May hawak na kutsilyo si Theto nyan, nakatutok sa kin.

Past 7 na nang makarating kaming SM. Pano pa kaya kung mas maaga kaming andun? Adbentyur!

Wednesday, April 21, 2004

BANDA RITO, BANDA ROON

Yesterday was our first 'official' band practice. Nakakapagod, mainit. But it was really, really fun. Si (Father) Jonas ay classmate ko nung grade school, seatmates pa nga e. Tapos nung nag high school kami e, mukhang tinawag sya ni God para sa buhay seminaryo. Tapos bigla na lang nalaman ko na yung classmate ko pala ngayong college na si Zech ay classmate nya rin sa seminaryo...kaya ayun, nagkita kami sa USTe, and found ourselves playing our guitars till our fingers bled, haha. Eto ang mga kaganapan:

The workplace.


That's him, that's him!!


Ilang beses kinailangang ayusin ang gitara ko dahil sa continuous snapping ng strings? Di mabilang e. As in natamaan ang aking right hand nang tumalsik yung e-string ko, at whapak! it hit my hand and turned red, then maroon.

Saturday, April 18, 2004

IR PORT-ion

yup! meron na rin sa wakas!

yan ang aking dalawang pamangkin, sina DEA at BLEU...Look, it's a gigantic celfone!

At eto sila, acting mom and dad, buying the groceries for the whole family.


To DEA and BLEU: AYLABYU!


Monday, April 12, 2004

use BAKASYON in a sentence...

Thanks to Ate Malen and family for letting us into your nice home and giving us very hearty meals. We’re so proud to say that we have a ‘haciendera’ friend who was very willing to tour us around their villa (naks!). Ate Malen, WILD BOYS!! Haha!

Luto dito at luto doon ang ginawa (hindi kami ni ate des) nila Ate Dinah, Ate Malen at Ate Chie. OO, si Ate Chie! See!??!

That's the way uh-huh, uh-huh!

After having breakfast at the kahoylicious dining table, we readied ourselves for the trekkiest-trek of our lives. Hehe. Grabe naman yun. It was my first time to go up a mountain, carrying a super heavy backpack, under the heat of the haring-araw. Nakarating naman kami ng maluwalhati sa destinasyon namin, kaso, hindi naming nkita yung ganda nung falls na pinuntahan naming kasi tuyo, summer, dry. But it was fun, so ok na yon.

Sa mga hosts ng GAMEPLAN, saludo ako sa inyo!

And they are the chosen ones...


We went back to Ate Malen's place, for an energy refill through Nanay's strawberry-flavored ice candies and went straight to the river. Kakagulat nga kasi ang dami-daming tao. Pero ok lang, ika nga ni Vicky, 'the more, the many-er!!' Nevertheless, we still looked for the most suitable spot for us, yung konting tao at konting seaweeds.

Dahil malakas ang agos...
Ate Dinah: (nakakapit sa mga bato, at biglang um-acting na inaagos...) Waaahhh!!!Inaanod ako!!!
Ate Chie: DINNNAAAAHHHHHHHHH!!!

Here comes the best part.

Ate Noreen: (di sumama at nag-reflect sa aming cottage)
Ate Malen: (naghahanap ng mga suso, water hyacinths at kung anu-ano pang pwedeng ilagay sa kanyang akwaryum)
Ate Chie, Ate Dinah, Odet: (nakadapa sa tubig, nakahawak sa mga bato sa ilalim para di agusin)
Ate Des: (peacefully seated across Odet)
LAHAT KAMI: (pinaguusapan ang mga mga kalabaw na medyo malapit sa min na nagpapahinga sa tubig)
Ate Dinah (ata): Oi malen! Hindi ba umeebs yang mga kalabaw na yan dito sa tubig? Baka mamaya...
Ate Malen: Hinde noh! Dun lang sila sa pampang...(sabi nya habang nanghuhuli ng mga suso)

3 seconds passed and...

LAHAT KAMI: (nakatingin sa kalabaw na kataka-takang nag-sudden change ng position. nakatalikod na sa min)
Aba! Bigla na lang may unidentified objects coming out of the carabao (it must not be mentioned, for it only brings us to tears - of LAUGHTER...)
ATE DES: HINDI PALA AH...!!!
LAHAT KAMI, SABAY SABAY: WAAAAHHHHHH!!! (tumayo ng pagkabilis-bilis, tumawa ng UBOD ng lakas)


Few hours after the incident did we only realize the scratches we got from standing up so fast, with all those batos...Grabe. Hinding-hindi matatawaran to ng kahit ano pa man.

This is what we had for lunch with Ate Malen's family: itlog na maalat and kamatis, tulingan, adobong manok, laing, kanin. Kinain namin lahat ng to nang nagkakamay. Ang plato namin ay isang malaking dahon ng saging. Ate Malen, efective tong style na to. Gawin kaya natin dito sa Manila?

Oo nga pala, here are Ate Dinah's black nails. Sabay-sabay na-dead nung 'Kalabaw Incident'. Hahaha!!


We spent the whole night (till morning) singing and dancing, dancing and singing. Lahat na ata ng eras e inabot na namin. Goth (fave ni Ate Malen to!! WILD BOYS ulet!), pop (Hail Queen Madonna!!), rock (nangunguna ang rendition ni Ate Chie ng DONT LET ME BE MISUNDERSTOOD), dance (we are the dancing queens...), standards at jazz (FEVER, when you touch me...), musical (you must love me...), movie soundtracks (wishin' and hopin'), gospel (Ate Des sang the Jubilee Song), syempre OPM (Gary V is the maaannn!!)

Para sa ken, ito na yung pinaka-masaya na videoke ng buhay ko.

SUNDAY MORNING. According to our schedule, we were to go to Kuya Leslie's house in Lucban, Quezon. Si Kuya Leslie po ay isang napakagaling na artist. Napakabait pati. Kuya, nakakahiya man na bumalik kami sa inyo, at binulabog ang De Chavez household, e wala ka nang magagawa. Hehe. Sobrang salamat Kuya! Enjoy talaga kami sa bahay nyo. Pati sa kapatid mong si Carla, na sabi ni Ate Noreen ay "pasok!", salamat din.
Sa mga tao ng Lucban, thanks for giving us the "cold treatment (-Ate Dins)" by making buhos to us super cold water. Galing pa atang ref yung tubig na pinambuhos nyo sa min. Your 'warm welcome' is very much appreciated. We labyah!!

Themesong: HETO AKO, BASANG BASA SA ULAHAHAHAN, WALANG MASISILUNGAHAHAN...-Aegis

Fun, fun, fun!


That night, we ate at a very cozy resto. Hindi kami pagod, hindi kami orcs, hindi kami antok.


Bungang-araw, sore shoulders, nananakit na legs, makating likod, mapulang likod...yan ang inabot ko sa bakasyong ito, pero WALA AKONG PAKE!! I had soooo much fun with the bums. Thanks for everything. The bums are the best bums ever. Nung una talaga, hesitant akong sumama, kasi baka di ako mag-enjoy. Pero maling-mali!

Credits:
Ate Malen - Thanks ulit ate kasi bait-bait nyo sa min. Lalo na si Nikolai at Cedric. We are looking forward to another stay in Pagsanjan! Next stop: Pahiyas Festival.

Kuya Leslie and family - Bait-bait mo kuya les. Tsaka galing ng mga paintings mo. Pag yumaman ako, pramis, bibili ako.

Ate Chie - Ate Chie is the 'song master'. Thanks for remembering 'The Moffatts' and '911' with me. LOVE SENSATION!! YEAH!!

Ate Des - Thanks ate for letting us stay in your fink fad. Alala mo si Fluffy the 2-headed monster aka Waldo?

Ate Noreen - Ang agang dumating nito ni ate nung saturday morning. Thanks for waking us up. Hehe.

Ate Dinah - Ang aking kapatid sa batas. I'm glad we're sisters. Thanks for taking care of me!! Muwah!


Salamat salamat!

AND THIS IS HOW I USE 'BAKASYON' IN A SENTENCE...

For more stories, go to ate chiechai and ate dinah. Up and coming: ate des

Friday, April 9, 2004


Pahiram muna ng questions ate chie!!

Grab the book nearest to you, turn to page 18, find line 4. write down what it says:
...assorted spellbooks. Rolls of parchment paper littered that part of his...(HARRY POTTER AND THE GOBLET OF FIRE)

Stretch your left arm out as far as you can. what do you touch first?
mini electric fan (cute!)

What is the last thing you watched on tv?
american idol, kaninang nga 3 am

Without looking, guess what time it is:
2 pm

Now look at the clock, what is the actual time?
1:10 pm (oha!)

With the exception of the computer, what can you hear?
yung napakalaki at napakahanging e-fan dito sa sala, tapos yung sa media player, 3 doors down's AWAY FROM THE SUN

When did you last step outside? What were you doing?
nung isang araw pa. nagsara ng gate. hahahaha.

what are you wearing?
sesame street shirt, zebra print (tama ba?) shorts

Did you dream last night?
di ko maalala e

When did you last laugh?
kaninang madaling araw, while watching american idol, nung naghalikan si Paula and Simon!! OO!! Totoo!!

What is on the walls of the room you are in?
nasa sala ako so medyo marami heehee

Seen anything weird lately?
yung paghahalikan ni Paula at Simon

What do you think of this quiz?
masarap sagutan!!

What is the last film you saw?
the passion of the christ

If you became a multi-millionaire overnight, what would you buy first?
lahat ng albums ng beatles

Tell me 5 things about you that I don't know:
1. i love britney spears, josh groban and michael buble (yeah! mabuhay ang pop at standards!!)
2. i bring a book when i go to the cr (now that's something you don't know!!)
3. v-cut ang favorite kong junk food
4. i get reallyyy masungit sometimes
5. i am thinking of 'renovating' my life


If you could change one thing about the world, regardless of guilt or politics, what would you do?
masyadong marami...for starters, ibalik ang Spice Girls sa music industry!!

Do you like to dance?
sobra!!

George Bush:
ummm...

Imagine your first child is a girl, what do you call her?
Apolonia

Imagine your first child is a boy, what do you call him?
Apolonio

Would you ever consider living abroad?
yupyup!

~~~

BABUSH!!

Yep, I'm saying goodbye to Manila, to my computer, to my ever faithful chat buddies, to Lennox...for I will be gone from today till Monday!! TheBumSquad and me will be raiding Ate Malen's house (na balita ko ay may ayus na videoke system) in Pagsanjan, Laguna. Ang balita ko pa ay may trekking at batis-swimming pang kasama! I'm sure it will be lots of fun...
Bale it's 12 noon here and later, mga 5 siguro, Ate Dinah and I will be meeting at Ate Des' fink fad. We'll be sleeping there, para mas madaling magbyahe tomorrow morning.
I can't help but sing, 'I'M SO EXCITED! AND I JUST CAN'T HIDE IT!'

Monday, April 5, 2004

HABERDAY ATE CHIE AT LIZ!!!
A toast for the new generation (nyeh!) for da bertday gels!! Sana ay magkasama-sama ulit tayo sa susunod na birthday nyo!! Yu ar welkam so mats ate tsi!


PASYON
Grabe. Eto ang hitsura naming after watching the movie.

‘O, teka, bakit parang ang saya nyo dito?’, tanong mo. Go ka kay chienovela and you’ll know why. Dali! Dali!

Hail Mel Gisbson! Hail Mel Gibson! Sabi ng youth pastor namin na si Kuya Kumar, not everything in the movie is biblical. Tulad nung na-possess si Judas nung mga bata, yung pinuntahan ni Mary si Jesus nung bumagsak siya, though what He said was from the Bible (Mother, I am going to make all things new…), hindi yun yung totoong oras na sinabi Niya yun. Bale dinagdag na lang yon ni Mr. Gibson. Galeng niya no?
He was praised, too, by our pastor for making the ‘most biblically accurate film in the history of mankind.’ Todo promote nga sila e. Sa katunayan, weeks before the movie was shown, our church asked for a cinema reservation at ATC. So yung 8pm na palabas ng THE PASSION nung Friday ay para lang sa lahat ng mga members. Astig di ba? Kaso di ako nakasama don, kasi naubusan daw agad ng tix, sabi nung friend ko. Di bale, kasama ko ata si Ate Dins at Chie!! It’s fun-ner!!
Bale kanina, super kwento si pastor ng kung anu-ano tungkol dun pero di ko na iisa-isahin. Marami daw hindi sinama si Mel G. kasi masyado na daw…sobra. Siyempre, hindi naman pwedeng ipakita na stripped naked si Jesus Christ di ba? Tapos yung gabi bago siya i-crucify (yung naka-kadena yung mga kamay Niya), hindi daw siya pinatulog ng mga Roman soldiers. Instead, they blindfolded Him and kept on punching Him in the face saying, ‘If you’re the real Son of God, guess who’s punching you!’ kablag. Ouch di ba? Grabe, I ENCOURAGE EVERYONE READING THIS TO WATCH THE FILM!!! Wag na po sa pirated vcds at dvs and BE A BLESSING TO MEL GIBSON!

Friday, April 2, 2004

A PROBINSYANA'S TALE

We were on vacation for almost 5 days in Pangasinan with Ate Dinah (na ipinakilala na sa buong angkan ng mga Rivera) and Theto (na inakala nilang dyowa ko na hindi naman!). After long hours of travel, we stopped over Auntie Flo’s (sis ni Mama) house for lunch. Thanks Ante’ for the delicious hipons, manoks and sinigang! Tumigil muna kami sandali sa tapat ng Mcdo para mamalengke sina Mama, kami namang mga bagets (kasama si lennox da dog) ay naiwan sa sasakyan. Sa isip-isip ko, “Sana ilibre kami ni ate ng sundae” at voila! Bigla siyang nagtanong, “Gusto niyong sundae??” Yahu!


Pagdating dun e picture picture agad!!


Palangoy-langoy kami dun nang i-welkam kami ng sangkaterbang jellyfishesssseesss. Makita nyo lang itsura namin habang tumatakbo (yup, tumatakbo sa tubig) papalayo sa mga jellyfish na yon…yun tipo bang “HUWAAAAH!! DYELIPISH! RUN FOR YOUR LIVES!” Tapos may nakita kaming batang babae na may hawak na lata at tila may hinuhuli sa tubig. Aba, jellyfish! Opo, friendly sila actually, at very, very jelly.

SUNDAY, we went for a walk. The original plan was to jog but it was too hard, di kaya ng aming endurance at agility. Nag-ala Gandalf kami sa laki ng mga kahoy/sticks na dala namin to support ourselves. KAMI ANG MGA HERMITS NG PANGASINAN! BEWARE!

After a few minutes of resting while reading Harry Potpot (ate and thets) and Twisted V (moi), nagpunta naman kami sa KABONGAOAN. Bale yun ay isang stretch ng napakaraming buko ni Mamang (lola ko). Grabe, magkano ang buko dito sa maynila? 12-15 pesos. Buko jus? 10 pesos, small pa yun ah. E dun, libre! Fresh from the puno pa! As in maririning mo pa yung lakas ng bagsak.


Nagpunta pa kami sa isang beach. Sa loob ng jeep ay natagtag kaming lahat. Pano ba naman, rough road ang dinaanan namin, tapos lahat ng alikabok e napunta na sa mga mukha namin. Foundation ba? Pero ayus lang yon! Nalimutan ko na ang pangalan pero 2 words lang ang masasabi ko: TOTALLY BREATHTAKING!
*no pics available yet

Deep insayd op mi, kinakanta ko ang “Iiiiii wish you were here..” para sa mga taong naiwan namin dito sa Manila (bums, len, meg and maan, uste pips), kay Kuya Den na nasa Japan, at kay Kuya Deo na nasa Calif. After minutes of drama-ing myself, I went back to my JUMPINJUMPIN MODE. I was with my family and theto, what more could you ask for??!



Wag kang matakot na umibig at lumuha, kasama mo naman ako –Ely Buendia. HARHARHAR!!


that’s papa and lennox, ang aming mabait na alaga na may matabang buntot


Si mama at lennox habang kumakain kami ng inihaw na flying fish (straight from the sea) na sinawsaw sa toyo at kalamansi. Huwaw! Malinamnam!!

MONDAY na!

Eto ang araw na naka-designate sa pamamangka. Kaya wear kami ng aming mga Hawaiian costumes – sarong at kalachuchi. O, mala-Jasmine Trias ng American Idol no??


Haaayyy...mother nature's son (toot toot toot)


We stood in AWE when we got there!


Bonding!

Kweba, here we come!

Sabi ni Ate Dinah, “THANK YOU LORD FOR THE BEAUTIFUL CREATION”. I second the motion!!


Di gaanong halata sa pero nasa cliff kami nito. Grabe, ang hirap umakyat ha! Whew!

TUESDAY
Medyo naubusan na kami ng activities for this day, so we spent it reading, sleeping and swimming op kors! Nung gabi na, nag-bonfire kami sa tabi ng bahay.

I wanna be a firewoman! -Barbie A.

Tapos, nagpunta kami sa bahay ng Uncle Ronald ko, at kami ay nagpaka-lunod sa VIDEOKE!! Syempre, Beatles kinanta namin ni Ate. Ayaw namin ang Beatles, ayaw namen!

WEDNESDAY
Aww...uwian time. Tulog-tulog lang kami sa sasakyan. Pati si Lennox e parang napagod na rin kaka-byahe (arf! arf!).
Palengke kings and queens arrive at the wet market. Sa halagang 300pesos, higit sa isang sako na ang napamili nila ate at theto. Ang saya!

O pictures pa, dali!

Oh, towel, I am but a fool..darling i lab yu!


uuyy, excited!


Mam: Oi inday, bilis-bilisan mo dyan, maglilinis ka pa ng banyo! Odet: Mag-intay ka! hmph!

LORD, YOUR POWER IS UNQUESTIONABLE. THANK YOU FOR KEEPING US SAFE DURING OUR TRIP. THANK YOU ALSO FOR THE WONDERFUL GIFTS OF NATURE. YOU ARE OUR GREAT, BIG GOD. AMEN.

Amen po ba tayo dyan?

Friday, March 26, 2004

nasa museo ako ng 5. went to ate des' FINK FAD (pink pad). habang hinihintay sa ate des, e ate chie and i browsed through a mag ng mga (according to ate chie) INDIE bands - indi kilala. yun pala yon.

at bakit ako naka-hat? ewan.
~~~
chibog sa lami'. gusto ko lang i-acknowledge ang napakabangong hand soap nila. hayaan nyo, babalik ako dyan para maghugas ng kamay.
~~~
walked through the carpeted steps of CCP. at ayun, lumabas na rin ang pagka-picture hungry/addict ng bawat isa.
~~~

wala po ako sa set ng TAKEN kundi sa Spoonful Discard exhibit nila mr. marc cosico at mr. don salubayba. Congrats senyo mga tsong. Masama na nga ang tingin namin ni ate dinah sa mga lamps. I'm sure those lamps will look better on our rooms. hihihihi. :)
~~~
eto naman ang isa sa mga likha ni mr. cosico. ang tawag niya dito e 'marked'. siya daw to sabi ng mga ates (para makita ang said image, ilapit mo ang mga mata mo sa monitor. para na kayong face-to-face ni mr. cosico) ahh...baka kaya 'marked'. (let's take it slow, so slow..)

*the hand is not part of the exhibit.
~~~

Wednesday, March 24, 2004

Sobrang walang magawa...kaya copy-paste ang business ko ngayon..

1. ...owned a restaurant, what kind of food would you serve?
pagkaing tambay at exotic syempre...isaw, dugo, bbq, adidas, ahas, palaka, balang, served in a very sosy Italian style...kala nyo kayo lang Italianini no??

2. ...owned a small store, what kind of merchandise would you sell?
store na nagbebenta ng books and cds. para lahat ng mga brainy and artsy weirdos e pumunta sa ken. Dadami mga friends ko!

3. ...wrote a book, what genre would it be?
uuhh..i would probably write a book ABOUT children. Siguro to-follow na lang yung books FOR children. Not good in telling stories e. hehe.

4. ...ran a school, what would you teach?
pre-school din siguro. para maraming regalo pag Pasko.

5. ...recorded an album, what kind of music would be on it?
ah, ayus to. syempre rock, tapos kasama ng cd ko e isang vcd/dvd ng mga videos na mala-britney. bale habang nagggrowl ako, e sinasayaw ko naman yung steps ng 'im a slave..' baka maging BREAKTHROUGH ARTIST pa ko niyan.





10 PREDICTIONS

i took a 30 min. nap today and i had predictions (wooohhhhh...). OO!! AKO SI PHOEBE HALLIWELL!!

1.) Mabubuong muli ang The Beatles at ire-revive nila ang I'LL BE. They will also perform with Mr. Acoustic Paolo Santos!!

2.) Aamin na si LOVE AñOVER na isa syang ILOCANONG BADING (bumperrrr to bumperrrr).

3.) Ang VIVA HOT BABES ang tatanghaling BEST NEW ARTIST sa susunod na NU ROCK AWARDS.

4.) Mananalong presidente si FPJ, kasabay nito ang pagsugod ng mga Pilipino sa US EMBASSY.

5.) Matatalo si GMA sa pagkapresidente, kaya mag-eendorso na lang daw siya ng vitamins na GROWEE (tatangkad din ako..)!

6.) Magsasara ang ALDA'S at magwewelga ang mga BUMS.

7.) Maghihiwalay si CHRIS MARTIN at GWYNETH PALTROW, dahil mababalitang may bago daw gf si Papa Chris in the person of an 18+ year-old residing in Las Piñas! Her name begins with an 'O' daw. (hhmm...napaisip ako dun ah...)

8.) After a few years, si DESIREE LLENO na ang host ng TRAVEL TIME.

9.) Si KRISTINE SALES ang magpapauso ng black wedding boots na isusuot niya sa kasal nila ni BRANDON BOYD, na gaganapin sa batis ng MAJAYJAY, LAGUNA.

10.) Sisigaw si SHERYL CROW ng 'TUMUTUTOL AKO!' (aba, at nagtatagalog ka pala!) sa kasal ni DINAH DE CASTRO at DENNIS ABILLE dahil lihim palang dyowa ni Dennis si Ms. Crow (left to the murder? hehe.) Intriga!



Tuesday, March 23, 2004

I was looking through my drawers this morning and I saw my old HELLO KITTY AUTOGRAPH BOOK. Oo, isa ako sa mga nagkakandarapang bumili ng usong-usong autograph books noon. At eto ang rule ha, the bigger the better!! Unfortunately, noon pa lang KURIPS na ko so maliliit lang ang mga nabili ko.

This is not to offend my former classmates/friends (di nyo naman mababasa to so ok lang!). Grade 5 kami nito. Eto na (drum rolls plz):

FAVORITES

Katring*, Favorite Movie: CAMPUS GIRLS ( \m/ )
Tan*, Describe yourself: TALL, DARK AND HANDSOME (kompident!)
Happiest Moment: WHEN WE GO TO STATE (USA in its singular form)
Most embarrassing moment: WHEN MY LOLO DIE (no comment)
Piccolo*, Favorite Music: TELL THE WORLD OF HIS LOVE (the greatest love the world has known…)
Katwo*, Favorie Music: MAGAZINE (?), HIP-HOP, METALS (daming metal nun!)
Friends: MANY MENTIONS (many nga!)
Megara*, Define Love: LOVE IS THE MOST IMPORTANT THING IN THE WORLD (awww….)
Darling*, Favorite Music: LINE TO HEAVEN (Ate Dinah? Ate? Are you there?)
Pring*, Food: I’M IN A DIET (Grade 5 pa lang to ha.)
Willa*, Favorite Subject: ENGLESH (owkay..)
Patring*, Movie Idols: SHARON C. (parehas kami…noon)
Pao*, Motto: BEAUTY IS USELESS, CHARACTER IS THE BEST (!!!!)
Tenten*, Singers: LEA SALONGA, AIZA (ayus? apir!)

*di tunay na pangalan
Hilarious. Sobra. Ang sikat pala ni Sharon noon.

-----------------------------------------------


Eto naman ang full information ko noong grade iskul:

GETTING TO KNOW YOU
Nickname: Odette/Ode
Phone No.: 828-42-94
Address: B4 L42 Camella 6 PLP MM (tamad magsulat…)
Birthday: Nov. 7, 1986 (ohmygosh di ko pala alam ang birthday ko noon. 1985 dapat!)
Ambition: Nurse (I didn’t know I wanted to be a nurse.)
Favorite music: Beautiful musics (music in its plural form)
Singers: Lea S. and Sharon C. (si Lea tanggap ko pa, pero si Sharon?? Ugh.)
TV Program: Mara Clara (sige, tawa!), Mr. Bogus (yeah!!)
Movie Idols: Sharon C. (Baka sinasapian ako ng mga panahong ito!)
Movie: All (ano daw?)
Color: White, pink, yellow (gurl na gurl!)
Food: Filipino food (may alam ba kong hindi Filipino food noon? Hhmmm...)
Subject: All (ows?? Pati math?)
Motto: A money saved is a money earned. (bata pa lang kuripot na.)
Bestfriends: TMTM (too many, too much??)


PERSONAL SWEET TALKS

Define love: God and concern (siyobis!)
Who is your crush? _______________ (wala!)
Who is your first love? God (Hallelujah!)
Describe your loved one: kind
When and where did you meet? I think at heaven (grabe, near death experience!)
What attracted you most? His kindness (naks!)
Unforgettable time and place: __________________ (walang masagot)
Who was your first kiss? Parent (uyyy…safe answer)
Happiest moment: When I was born (so nagtatatalon ako sa tuwa, ganon?)

Dedication:
Please sign on my autograph cleanly and neatly. Be sure that before you sign here you should have your picture. (oi, ang taray!!)


Looking through your old things is a sign of nothing-to-do-ness. Di bale, summer naman e.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?



Free Guestbook from Bravenet  Free Guestbook from Bravenet